Palasyo, mahigpit ang ginagawang monitoring sa lagay ng mga Pilipino sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Malacañang sa pinakahuling sitwasyon sa Israel at sa lagay ng mga Pilipino sa gitna ng kahuluhan doon, kung saan hindi bababa sa 1, 000 ang nasawi.

Base sa pinakaguling ulat na natanggap ng Presidential Communications Office (PCO), wala pang Pilipino doon ang nagpahayag na nais nang bumalik ng bansa, gayunpaman, handa ang repatriation plan ng embahada, sakanilang kailanganin.

“The Embassy has adequate resources for this undertaking. Post is ready to assist the Philippine Embassy in Amman, Jordan, which has primary jurisdiction over Gaza, in case a repatriation of Filipinos in Gaza will be undertaken. The Embassy will coordinate with Israeli authorities to ensure smooth transit in Israel of Filipinos from Gaza to Jordan.” —PCO.

Bini-beripika na rin kung mayroong mga Pilipinong nakasama sa evacuation efforts ng Israeli security forces mula sa mga komunidad sa paligid ng Gaza.

“In view of the volatile security situation in Israel, Post issued a travel advisory recommending that all travel from the Philippines to Israel be postponed indefinitely, or until such time that the situation has stabilized.” —PCO.

Samantala, sa 29 na indibidwal na una nang napaulat na nawawala, 22 ang na-rescue na ng Israeli security forces at nailikas na sa ligtas na lugar.

Isa ang ginagamot sa ospital makaraang magtamo ng sugat habang niri-rescue, at isa pa ang ginagamot makaraang makalanghap ng usok.

“Both have been visited by the Embassy’s Labor Attaché and Welfare Officer, who provided assistance and essential supplies.” —PCO.

Pitong iba pa ang hindi pa rin accounted at hindi pa matawagan sa kanilang numero o social media accounts. Puspusan na ang pagkilos ng embahada upang matukoy ang kinaroroonan at kondisyon ng mga ito.

“The Embassy is working non-stop with Israeli security authorities and community contacts to ascertain their condition. We continue to await feedback from them.” —PCO.

Samantala, mayroong isang Pilipina dito sa Pilipinas ang nakipagugnayan sa embadaha makaraan aniyang makita nito ang kaniyang asawa sa isang video na kumakalat sa social media, kung saan bitbit ito ng mga armadong indibidwal.

” Further, a Filipina in the Philippines reached out to the Embassy and said that she recognized her husband in a video circulating on social media which shows a man being held by armed individuals, most likely brought to Gaza. Post urgently relayed this to the Israel military authorities.” —PCO.

Biniberipika na ang impormasyong ito.

“Post cannot independently verify his identity based on the video alone but considers the report of the wife as compelling. The Embassy is also working with community contacts on his case.” —PCO.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us