Palasyo, naglabas ng Executive Order na nagpapawalang bisa sa una nang idineklarang price ceiling sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos na ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang pag-aalis ng price cap sa bigas, naglabas ang Palasyo ngayon ng Executive Order na pormal nang mag-aalis sa rice price ceiling.

Sa pamamagitan ng Executive Order no. 42 ay pormal nang ipinapawalang bisa ang unang EO-39 na nagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Sa ilalim ng nasabing kautusan ay opisyal nang inili-lift ang ₱41 kada kilo na price ceiling ng regular milled rice at ₱45 naman ng kada kilong ng well milled rice.

Sa harap nito ay inaatasan ang mga concerned government agencies na palakasin ang programa at inisyatibo na makatutulong sa mga magsasaka, retailers, at mamimili.

Itoy upang mapanatili ang matatag na halaga ng bigas sa merkado sa harap na rin ng gumaganda at tumatatag na suplay ng bigas sa bansa kasunod ng masigasig na kampanya laban sa mga smugglers at hoarders. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us