Palitan ng produktong pang-agrikultura sa pagitan ng Pilipinas at Hungary, itinaguyod ng mga senador sa kanilang official visit sa Hungary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ang mga senador ng Pilipinas sa Minister of Agriculture ng bansang Hungary na si Istvan Nagy.

Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Senate delegation kasama sina Senador Pia Cayetano at Senador JV Ejercito.

Ayon kay Senate President Zubiri, pumayag ang dalawang panig na mas mamuhunan sa sektor ng agrikultura para mapatatag ang food security at makagawa ng mas maraming job opportunities.

Binigyang-diin rin ni Zubiri ang kahalagahan ng pagpapatatag ng palitan ng mga produktong pang-agrikultura sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa panig naman ni Nagy, ipinahayag nito ang kahandaan na tulungan ang Pilipinas sa pamamagitan ng technology transfer.

Gayundin ang pagbabahagi ng impormasyon at good practices sa kanilang counterpart na Department of Agriculture (DA) na maging moderno ang sektor ng agrikultura ng bansang Pilipinas.

Ito ay para maging globally competitive ang ating agriculture sector at matugunan ang demands ng lumalaking populasyon ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

📸: Senate of the Philippines

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us