Nagpahayag ng suporta si Senate Committee on Higher Education Chairperson Senador Chiz Escudero sa partial na pagbabayad sa mga state universities and colleges (SUCs).
Una na kasing umapela sa pamahalaan ang mga SUC na i-reimburse ang nagastos nila para sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Law mula 2022 hanggang 2023.
Ayon kay Escudero, humahanap na ng paraan ang gobyerno para ma-reimburse ang nagastos ng mga SUCs na aabot sa ₱7-billion pesos.
Pero, hindi pa aniya ito mabayaran agad ng buo ng gobyerno dahil sa kakulangan ng pondo.
kung may oportunidad aniyang mabayaran ang nasabing halaga sa 2024 ay gagawin naman ito ng gobyerno at humahanap ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) kung papano mababayaran ang mga SUCs.
Sa mga naunang pagdinig ay natalakay na rin ang kaparehong isyu kung saan sinuportahan ni Escudero ang posisyon ng DBM na magiging unfair o hindi patas para sa mga government-owned universities and colleges na limitado lang ang budget kung babayaran agad ng buo ang mga SUCs. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion