Pamahalaan, patuloy na isinusulong ang pagpapabuti sa railway system ng Pilipinas — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang pagpapabuti sa railway system ng Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino sa isinagawang kauna-unahang Philippine Railway Conference sa Marco Polo, Ortigas, Pasig City.

Binigyan diin ni Aquino na ang pagtatayo ng mga linya ng tren ay malaking tulong sa pag-unlad ng isang bansa.

Kaugnay nito ay ipinunto ng opisyal ang mga kasalukuyang railway project ng bansa kabilang ang North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, MRT-7, LRT-1 Cavite Extension, at pati na ang itatayong PNR North Long Haul and South Long Haul Projects na magdurogtong sa Calamba, Laguna hanggang Daraga, Albay at mula Clark, Pampanga patungong Ilocos, Norte.

Ayon kay Aquino, ang naturang mga proyekto at magbibigay ng mas mabilis at maginhawang biyahe sa mga pasahero at makatutulong na mabawasan ang siksikan sa mga kalsada. Magbibigay din aniya ito ng access sa mga trabaho sa iba’t ibang rehiyon.

Sa ngayon, patuloy din ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us