Pamamahagi ng driver’s license cards, inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2024 — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Transportation na inaasahang matatapos ang pamamahagi ng driver’s license plastic cards sa unang quarter ng 2024.

Ito ay matapos ng Land Transportation Office na mayroon na silang 1.2 milyong license cards na maaaring ipamigay sa mga motorista na dati ay nabigyan lamang ng papel na lisensya at ang mga motoristang nabigyan ng extension ang lisensya dahil sa kawalan ng plastic cards noong mga nagdaang buwan.

Ayon sa DOTr, binigyang direktiba na ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang LTO na pabilisin ang pamamahagi ng license cards matapos maialis ang temporary restraining order sa manufacturer na Banner Plastic Card, Inc.

Target namang makapag-deliver ng naturang manufacturer ng 25,000 hanggang 27,000 na plastic cards kada araw.

Sa ngayon, nasa 700,000 na plastic cards na ang naipamahagi ng LTO sa mga regional office nito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us