Pamamaril ng isang pulis sa Novaliches, pinaiimbestigahan sa QC Peoples Law Enforcement Board

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang People’s Law Enforcement Board (PLEB) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay ng panibagong insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng isang pulis sa Barangay Nova Proper, Novaliches.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na mariin nitong kinokondena ang insidente.

Giit nito, walang puwang sa Philippine National Police (PNP) ang mga ganitong pulis at hindi nito papayagan na manaig ang anumang karahasan sa Quezon City.

Pinakilos na aniya ng alkalde ang PLEB para matiyak na mapapanagot si Patrolman Edwin Rivera Simbling sa kanyang ginawa.

Samantala, nakikidalamhati rin ang alkalde sa pamilya ng biktima, at sinabing tinitingnan na ng lokal na pamahalaan ang tulong na maaaring maipagkaloob sa kanyang pamilya, lalo na sa pagkamit ng hustisya.

Umaasa rin ang alkalde na hindi sasantuhin ng QCPD at PNP ang sangkot na pulis na ngayo’y nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us