Pamamaslang sa isang OFW sa Jordan, mariing kinondena

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinokondena ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na si Mary Grace Santos na nagtatrabaho sa Amman, Jordan.

Batay sa mga ulat isang menor de edad ang suspek na ginahasa at isinilid pa sa tangke ng diesel ang katawan ng biktima.

Diin ni Magsino, ipinapakita lamang nito ang kapahamakang kinakaharap ng ating mga OFW sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa at ang pangangailangang bigyan ng ngipin ang mga polisiyang nagpoprotekta sa kanila.

Kasabay nito ay ipinaabot ni Magsino ang pakikidalamhati sa naiwang pamilya ni Santos.

Aniya, hamon ngayon sa pamahalaan na makapaglatag ng konkreto, komprehensibo, at pangmatagalang solusyon sa paulit-ulit na suliraning kinakaharap ng ating migrant workers.

Dapat aniya na kumilos ang pamahalaan upang makamit ang hustisya at mapanagot sa batas ang may sala.

Ayon sa Department of Migrant Workers, nasampahan na ng kaso ang suspek.

Naiuwi na sa bansa ang labi ni Santos.

Isa sa dalawang anak ni Santos ang mabibigyan ng educational assistance sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us