Itinatayo na sa Davao City ang 82-building project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ininspeksyon na ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Social Housing Finance Corporation (SHFC) President Federico Laxa ang project site, kasama ang iba pang key housing officials.
Ang proyekto ay tinawag na People’s Ville I, II at III na binubuo ng kabuuang 82 gusali na may 8,200 residential units.
Sa kasalukuyan, limang 5-story building ang nasa huling yugto na ng construction sa housing projects.
Ang proyekto ay kabilang sa 20 on-going projects sa iba’t ibang yugto ng development at construction sa ilalim ng flagship “Pambansang Pabahay” program ng administrasyon. | ulat ni Rey Ferrer