Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng tatlong mangingisdang Pinoy na nasawi matapos mabangga ang kanilang bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa DSWD, agad na naasikaso at naihatid na ng kanilang Central Luzon Field Office ang financial aid sa pamilya ng mga mangingisda.
Tumanggap ang bawat isang pamilya ng tig-₱10,000 burial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at kahon-kahong mga family food packs (FFPs).
Bukod sa kanila, naghatid rin ng cash asisstance na tig-₱5,000 ang DSWD FO-3 sa 11 mangingisdang nakaligtas sa insidente.
Ayon sa DSWD, patuloy na tututukan ng kanilang Central Luzon Field Office ang lagay ng pamilya ng mga mangingisda para sa iba pang maaaring maitulong ng pamahlaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa