Hindi binigo ng Diyos ang panalangin ng pamilya ng Grade 5 pupil na nasawi matapos saktan ng sarili nitong guro sa Antipolo City kamakalawa.
Ito’y matapos makatanggap na ng kaliwa’t kanang tulong ang pamilya ng binatilyong biktima mula sa iba’t ibang personalidad, grupo at maging sa kanila mismong Lokal na Pamahalaan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, Officer-In-Charge ng Antipolo City Police Office, sa katunayan ay naresolba na ang problema ng magulang ng biktima hinggil sa labi nito.
Una kasing ipinasa ng San Pedro Calungsod Funeral Service ang labi ng biktima sa Funderaria Tandog matapos hindi makayanan ng pamilya ang ₱42,000 bayad sa serbisyo.
Subalit para naman makuha ang labi sa ikalawang punerarya, kailangan ding magbayad ng ₱10,000.
Ayon kay Manongdo, nakatakdang dalhin sa PNP Forensic Group sa Kampo Crame ang labi ng binatilyo para isailalim sa autopsy. | ulat ni Jaymark Dagala