Pamilya ng isa sa 2 Pilipinong nasawi kasunod ng nagpapatuloy na gulo sa Israel, nakausap na ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal nang naipaabot ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikiramay sa pamilya ng isa sa dalawang Pilipino na nasawi sa nagpapatuloy na gulo sa Israel.

Mismong si DMW Officer-in-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac ang humarap sa mga ito at tiniyak ang tulong na ihahatid ng pamahalaan para sa kanila.

Samantala, sinabi ni Cacdac na mananatili muna sa dalawa ang kanilang itatalang nasawi habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Una kasing sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office for Migration Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na isa pang posibleng nasawi sa pag-atake ng rebeldeng Hamas.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us