Pamilya ni Francis Jay Gumikib, pinag-aaralan ang pagkuha ng 2nd opinion matapos malaman ang autopsy report sa pagkamatay ng binatilyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ng ina ni Francis Jay Gumikib na si Aling Elena Minggoy na hindi nila matanggap ang naging resulta ng autopsy report na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Aling Elena, iginiit nito ang kaniyang paniniwalang sa sampal ng guro nasawi ang kaniyang anak.

Kuwento niya, nagsimulang makaramdam ng hindi maganda ang kaniyang anak matapos ang insidente ng pananampal.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Aling Elena na nais muna nilang asikasuhin ang libing ni Francis Jay saka sila uusad sa iba pang mga hakbang tulad ng pagkuha ng 2nd opinion sa autopsy report gayundin ang paghahain ng reklamo laban sa guro.

Kasunod nito, sinabi naman ni Antipolo City Police Chief, Lt. Col. Ryan Manongdo na pinapayuhan nila si Aling Elena na gawin na ang 2nd opinion bago sana ilibing ang binatilyo.

Samantala, bagaman masasabi nang lusot na sa kasong Homicide ang guro, pero sinabi ni Manongdo na kanilang ikinakasa ngayon ang iba pang kasong kanilang ihahain laban dito.

Kabilang na rito ang paglabag sa Section 10 ng Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation, and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development sa ilalim ng Republic Act 7610. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us