Pamunuan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nagbabala sa mga namimigay ng BPSF ID at pera kapalit umano ng boto ngayong eleksyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa publiko laban sa mga namimigay ng BPSF ID at nangangako ng ₱2,000 kapalit ng boto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong Lunes.

Inaabisuhan ng BPSF ang publiko na huwag maniniwala sa kahit anong pangako mula sa mga nagpapakilalang kabilang sa grupo kapalit ng partisipasyon sa pagboto maliban na lamang kung mula sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair official Facebook page.

“Inaabisuhan po namin ang publiko na huwag maniniwala sa kahit anong pangako mula sa mga nagpapakilalang kabilang sa BPSF kapalit ng inyong partisipasyon, maliban na lamang kung ito ay pormal na inanunsyo sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair official Facebook page. Labas na rin po ang BPSF sa anumang maaaring masamang resulta dahil sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon ng mga sumali sa ilegal na gawaing ito,” saad sa pahayag ng BPSF.

Paalala ng pamunuan na ang BPSF ay isang programa ng pamahalaan sa pagtutulungan ng Kamara at Office of the President na naglalayong mailapit sa mga Pilipino ang nararapat na serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Iimbestigahan ng BPSF ang motibo para mapatawan ng karampatang parusa ang mga indibidwal o grupo na nasa likod nito.

Hinihikayat din ng grupo na ipaalam sa kanila kung mayroong iregular o kahina-hinalang aktibidad na nangyayari sa mga komunidad na gamit ang organisasyon ng BPSF. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us