Panawagang palayain na ng Hamas ang mga hawak nitong bihag, sinegundahan ng ICRC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang International Committee of the Red Cross sa panawagang palayain na ng rebeldeng Hamas ang mga hawak nitong bihag.

Ginawa ng ICRC ang pahayag kasunod ng paglapit sa kanila ng pamilya ng ilang mga napaulat na bihag na nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay.

Batay sa ulat ng ICRC, nakikipag-ugnayan na sila sa Israeli officials maging sa mga opisyal ng Hamas para sa mapayapang resolusyon ng deka-dekadang sigalot sa Gaza Strip.

Kasunod nito, iniulat din ng ICRC na partikular nilang binabantayan ngayon ay ang mga ospital sa Gaza Strip dahil sa marami nang pasyente ang apektado ng kawalan ng kuryente bunsod na rin ng mga isinasagawang air strike ng Israeli forces.

Kabilang sa mga tinutulungan ng ICRC sa Gaza Strip ay ang mga bagong silang na sanggol at mga nakatatandang nangangailangan ng oxygen.

Pinatigil na rin ang kidney dialysis gayundin ay ilang bangkay na ang nasa stage of decomposition na dahil sa walang suplay ng kuryente ang morgue. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: ICRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us