Pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang delegasyon ng Pilipinas para sa dalawang araw na Pandemic Funds 8th Governing Board Meeting sa Marrakech, Morocco.
Layon ng pagpupulong na talakayin ang mga aral mula sa First Call of Proposals (FCP), kung saan inaprubahan ang 19 projects na nagkakahalga ng USD338.4-million.
Ang Pandemic Fund ay multi-stakeholder global partnership na itinatag ng World Bank.
Nagsisilbi itong isa sa Financial Intermediary Funds (FIF) na naka-pokus na pondohan ang mga proyekto para sa pandemic prevention, preparedness, and response (PPR).
Kabilang dito ang disease surveillance and early warning; laboratory systems; emergency communication, coordination, and management; critical health workforce capacities; and community engagement.
Ang Pilipinas ay miyembro ng Pandemic Fund Governing Board bilang Sovereign Co-Investor Representative para sa Western Pacific Region. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes