Pang-apat na batch ng Pinoy repatriates mula sa Israel, darating sa bansa sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 60 overseas Filipino workers at dalawang sanggol ang inaasahang darating sa bansa sa Lunes mula sa Israel.

Ang mga OFWs ay bahagi ng ika-apat na batch ng Pinoy repatriates na makakauwi na sa bansa na naipit sa gulo sa Gitnang Silangan

Sa News Forum, sinabi ni Department of Migrant Workers OIC Usec. Hans Cacdac, 32 sa OFWs na uuwi ay mga hotel workers habang 28 ang caregivers.

Sa oras na makauwi sa bansa ay aabot na sa 119 ang bilang ng OFWs na napauwi sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sinisiguro pa ni Cacdac na may matatanggap na tulong pinansiyal at kabuhayan ang OFWs repatriates mula sa DSWD at DMW. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us