Pangasinan, idineklara nang bird flu free ng Department of Agriculture

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng inilabas na Memorandum Circular No. 46 series of 2023 na pinirmahan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA) na Avian Influenza Free (Bird Flu Free) na ang lalawigan ng Pangasinan.

Batay sa inilabas na memo ng tanggapan ng DA, na base mga isinagawang pagsusuri na wala nang naitalang kaso ng bird flu makalipas ang 90 araw na paglilinis at disimpekta.

Matatandaang nakapagtala ng isang kumpirmadong kaso ng sakit sa San Carlos City noong ika-26 Hulyo, 2023.

Agad na nakipag-ugnayan ang tanggapan ng DA Ilocos Region sa Bureau of Animal Industry (BAI), upang magsagawa ng imbestigasyon.

Nagkaroon rin ng malawakang disease monitoring sa isa at pitong kilometrong radius ng apektadong farm.

Ang naitalang resulta ay bunga ng pagtutulungan ng tanggapan ng DA at San Carlos City LGU upang maipatupad ang mga hakbang sa pagkontrol ng sakit at disinfection sa apektadong lugar.

Batay sa Article 10.4.6 ng Terrestrial Animal Health Code ng World Organisation for Animal Health, maibabalik ang Avian Influenza free sa kalagayan ng isang lugar na apektado ng sakit, makalipas ang 28 araw na pagkakakompleto ng stamping-out.

Gayundin ang pagsasagawa ng disinfection sa huling apektadong establisyimento. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

📷 Department of Agriculture

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us