Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na maghanda ng mga kailangang hakbang para sa mga Pinoy na pauwi ng bansa mula sa Israel.
Ang kautusan ay ginawa ng Chief Executive sa harap ng paninigurong may nakahandang source of livelihood ang mga naapektuhang kababayan natin ng gulo sa Israel at itoy sa sandaling makabalik na sila ng ligtas sa bansa.
Kaugnay nito’y sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na bukod sa tulong pangkabuhayan na nais ni Pangulong Marcos ay may IBA pang asiste na ibibigay ang pamahalaan para sa mga apektadong OFW.
Ito ay ang education assistance para sa mga anak ng mga manggagawang Pinoy bukod pa sa Assistance to Individuals in Crisis Situation na galing sa DSWD.
Gagamitin din aniya kapwa ng OWWA at DMW ang kanilang action fund para sa gagawing pagbibigay tulong sa mga repatriates na nagpasiya ng magbalik bansa dahil sa conflict. | ulat ni Alvin Baltazar