Pangulong Marcos Jr., tiwalang maipagpapatuloy ng PSG ang pagpapalakas ng kanilang hanay sa ilalim ng bagong liderato nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nagawa ni Brigadier General Ramon Zagala, bilang commander ng Presidential Security Group (PSG).

Sa Change of Command Ceremony ng PSG, sinabi ng Pangulo na naging matagumpay ang tour of duty ng heneral, katuwang ang lahat ng indibidwal na sumiguro na magiging secured ang unang taon ng Pangulo sa pwesto.

Ipinamalas aniya nito na ang kanilang hanay at isa sa mga pinaka-magagaling na taga-protekta na mayroon ang Pilipinas.

“Under your able leadership, you have kept me, the First Family, visiting former dignitaries and foreign presidents, as well as the general public within the vicinity of Malacañang, safe and away from any serious threats to human and national security.” —Pangulong Marcos Jr.

Matagumpay rin aniya nitong natiyak ang seguridad ng nasa 500 presidential engagements sa loob at labas ng bansa.

“You have also facilitated the conduct of training programs, on VIP protection which benefited the 545 PCG personnel. To further enhance the group’s capabilities, you have lead the acquisition of advanced and modern equipment, under the multi-year material capability development plan of 2022 to 2028.” —Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, nagpasalamat rin si Pangulong Marcos Jr. kay Brig. General Jesus Nelson Morales, sa pagtanggap sa hamon na maging bagong commander ng PSG.

Tiwala ang Pangulo, na sa mga karanasan at pagsasanay na dinaanan ni Morales magagawa nitong gabayan ang PSG sa pagpapalakas pa ng kanilang hanay.

Nanawagan rin ang Pangulo sa PSG, na suportahan ang kanilang bagong commander.

“I trust that you will fully support Gen. Morales, just as you did Gen. Zagala with your hallmark integrity, excellence and service. Together, let us continue to perform our duties to the best of our ability, let us remain steadfast in safeguarding our country so that we can fulfill our sworn duty of provisioning a peaceful and secure life for every Filipino.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us