Pinalalakas na ng ASEAN Regional ang kooperasyon nito sa mga karatig na samahan, kung saan dadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kauna – unahang ASEAN-Gulf Cooperation Council sa Saudi Arabia, sa October 20.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Asec. Daniel Espiritu na magiging maikli lamang ang biyaheng ito ng Pangulo, kung saan matatalakay ang kooperasyon sa seguridad, transnational crime, at anti-piracy.
Mahalaga aniya ang pulong na ito para sa energy sector ng ASEAN region, lalo’t karamihan ng bansang kasapi sa GCC ay pinagmumulan ng produktong petrolyo.
Magkakaroon rin ng pagkakataon ang Pangulo upang makaharap ang Filipino Community, at makapulong ang Arab business leaders.
Aabot sa 2.2 million ang mga Pilipino sa Gulf. Nasa 700, 000 dito ay nasa Saudi.
Habang magkakakaroon rin ng bilateral meeting si Pangulong Marcos, kasama ang mga lider ng Saudi at Bahrain, kung saan isusulong ang kapakanan ng mga OFW, usapin sa Maharlika Investment Fund, at labor reforms. | ulat ni Racquel Bayan