Pangulong Marcos, nagpaabot ng pagbati kay EJ Obiena para sa pagkakasungkit nito ng gold medal sa 19th Asian Games

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay EJ Obiena sa pagkakasungkit nito ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa men’s pole vault, sa ika-19 na Asian Games, na ginaganap sa Hangzhou, China.

“As of September 30, the Philippines has already bagged eight medals: one gold, one silver, and six bronze, according to the Asian Games website.” pahayag ni PCO Secretary Garafil.

Nagpaabot rin ng pagbati ang pangulo kina Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Padua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala, at Francis Casey Alcantara para sa kanilang natatanging performance sa Taekwondo, Wushu, at Tennis.

“Best of luck to all our athletes competing ahead!” —Pangulong Marcos.

Kung matatandaan, buo ang suporta ng Marcos Administration sa mga atletang Pilipino na kinakatawan ang Pilipinas sa mga pandaigdigang kompetitsyon at patuloy na itinatayo ang watawat ng bansa.

Buwan ng Agosto, una na ring nagsagawa ng Konsyerto sa Palasyo ang Office of the President, para sa mga atletang Pilipino, kung saan kinilala ang dedikasyon at disiplina ng mga ito, iba’t ibang larangan ng pampalakasan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us