Pangulong Marcos Jr., umaasang gagamitin ng Saudi ang Pilipinas bilang gateway sa ASEAN region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handang-handa na ang Pilipinas na palalimin pa ang economic partnership nito hindi lamang sa Southeast Asian region, bagkus ay maging sa kabalikat nitong bansa sa Gulf.

“So, as we take part in the ASEAN-GCC Summit, currently being hosted by the Kingdom, we continue to reaffirm our readiness for deeper economic partnerships not just within the Southeast Asian region but as well as with our extended neighbors here in the Gulf.” — Pangulong Marcos Jr.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagharap sa Arab business leaders sa sidelines ng ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa naganap na round table meeting, ibinida ng Pangulo ang patuloy na pagganda ng business climate sa bansa, at mga repormang una nang ipinatupad ng pamahalaan para sa pagpapadali ng pagne-negosyo sa bansa.

Partikular itong mga panukala na naisabatas para sa pagpapadali ng pamumuhunan sa bansa, sa linya ng clean energy, transportasyon, telco, at iba pang mahahalagang sektor.

Kabilang na ang pagpayag sa 100% foreign ownership sa renewable energy.

Umaasa rin si Pangulong Marcos Jr. na pipiliin ng Saudi ang Pilipinas na maging gateway nito sa mga bansang kasapi ng ASEAN at RCEP economies.

“We hope to see all of you to visit the Philippines, to see what the opportunities are and for us as well for our part in the Philippines to bring our teams to the Kingdom and further we already have a very strong and very long-standing people-to-people relationship which can serve as a very good foundation for any future endeavors between our two countries.” — Pangulong Maros Jr. | ulat ni Racquel Bayan

📷: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us