Panibagong insidente ng panggigipit ng China sa Pilipinas, dapat nang iakyat sa UN General Assembly — solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro na pangunahan ng Pilipinas ang pag-aakyat ng ginagawang panggigipit ng China sa United Nations General Assembly.

Kasunod ito ng panibagong insidente kung saan binangga ng Chinese Coast Guard ang isang resupply-boat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ang naturang barko ay magdadala ng supply sa mga sundalong nakadesitno sa BRP Sierra Madre.

“Sumusobra na talaga ang pagiging agresibo ng Tsina sa WPS at mukhang mas lalala pa ito sa mga susunod na araw kung walang “decisive action’ tulad ng muling pagsasampa ng kaso sa Tsina o paglalatag ng ginagawa nila sa UN General Assembly at pagtutulak ng resolution ng UNGA laban dito,” ani Castro.

Ayon kay Castro, maaaring magsama-sama ang ASEAN member-disputants sa paghahain ng Joint Resolution sa UN General Assembly upang igiit sa China na tumalima sa naipanalong kaso ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal na nagpapawalang bisa sa nine-dash line claim nito.

Naniniwala ang mambabatas na mababawasan nito ang pagiging agresibo ng China.

“While China may not be forced by the UNGA to abide by a tribunal decision, such a resolution could form part of the multi-pronged pro-active approach to encourage China to seriously agree to a peaceful settlement of the dispute. Just the filing of such a joint resolution and gaining a substantial number of supportive State-Parties, will definitely discourage aggressive actions from China to flout the PCA ruling,” aniya.

Kailangang rin aniya ng kagyat na aksyon ng pamahalaan at paspasan ang pag-develop sa Pag-asa Island tulad ng pagtatayo ng mga permanent structures sa WPS para makapagsagawa ng magdamagang territorial security patrol at magamit ding pahingahan ng mga mangingisdang Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us