Panukala laban sa agri-smuggling na sinertipikahang urgent ng Pangulo, mabilis nang uusad sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Agriculture and Food Committee Chair Sen. Cynthia Villar na maipapasa ngayong taon ng Senado ang panukala nitong Senate Bill 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Sa isinagawang pandesal forum, sinabi ng senador na tapos na niyang madepensahan ang panukala at ngayon ay nasa ‘period of amendments’ na lamang.

Aniya, hinihintay na lamang nilang matapos ang pagrerebyu ng Senate Minority na bagamat suportado ang panukalang batas ay nais makatiyak na hindi magiging ‘unconstitutional’ ang mga probisyon nito.

Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mas mabigat na ang parusa sa mga mapatutunayang nasa likod ng agricultural economic sabotage sa bansa.

Kabilang rito ang smuggling, cartel, hoarding at pati na ang profiteering na isinusulong ng Senado na mapanagot ng ‘lifetime imprisonment’ at walang anumang bail.

Pagtitiyak ng senador, mabilis na uusad ang panukala lalo’t sinertipikahan na itong urgent bill ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Samantala, pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar ang pamamahagi ng libreng pandesal sa Kamuning bakery sa Quezon City ngayong World Pandesal Day.

Ayon kay Wilson Lee Flores na may-ari ng Kamuning Bakery, nasa 100,000 pandesal ang ipapamahagi ngayong araw na kasabay rin ng World Food Day. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us