Panukala para mapag-aral ang adult 4Ps beneficiaries, pinatututukan sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ng isang kongresista sa Senado na talakayin na rin ang panukala para mabigyan ng edukasyon ang adult beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, ang kagyat na pagsasabatas ng panukala ay makakatulong para tugunan ang bagsak na ‘learning poverty level’ ng bansa.

Tinukoy ng mambabatas ang ulat ng World Bank kung saan ang Pilipinas ang may pinakamababang learning poverty level sa East Asia and Pacific region na may 91%

Halos triple ang taas nito kaysa sa pagtaya ng ating pamahalaan na nasa 37% lang.

Umaasa si Villafuerte na ang numerong ito ang mag-uudyok para sa mga senador na agad ipasa ang panukala.

“I am hoping that a disturbing World Bank report showing that the foundational education deficit in the Philippines is so bad that our learning poverty level is at a steep 91% would impel our senators to act after the congressional break on a House-approved measure providing adult beneficiaries of the 4Ps program with new access to learning,” Villafuerte said.

Sa bersyon ng Kamara na House Bill 8497, aamyendahan ang bahagi ng Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act kung saan ang male adults lang sa family beneficiary ang mabibigyan ng ganitong pagkakataon.

Dito maaari silang pumasok sa Alternative Learning System (ALS) upang makatapos ng basic education, kumuha ng Entrepreneurship track ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magkaroon ng kasanayan sa pagnenegosyo, o employment track ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang accredited organization para magkaroon ng kasanayan at makapasok ng trabaho. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us