Party-list solon, pinayuhan ang mga senior citizen na samantalahin ang ‘early voting hours’ sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala si Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa mga senior citizen na maaaring bumoto ng mas maaga sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.

Aniya, mula 5am hanggang 7am ay may ipatutupad na ‘early voting hours’ ang Comelec na maaaring samantalahin ng mga lolo at lola.

Ayon pa sa mambabatas nakiusap sila sa poll body na mapahintulutan ang ‘early voting’ ng seniors, PWDs at mga buntis habang nakabinbin pa rin ang panukala para sa pitong araw na mas maagang pagboto ng naturang mga sektor.

Sa pamamagitan ng mas maagang oras ng pagboto, umaasa si Ordanes na mabigyan ng sapat na atensyon at tulong ang mga senior, PWD at buntis at hindi na sila pumila pa ng mahaba.

Pinayuhan din ng kinatawan ang mga ito na alamin ang mga voting facility na gagawin sa mga mall na malapit sa kanilang tirahan para sa kanilang kaginhawaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us