Dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Davao at mga opisyal ng barangay ang isinagawang Pasasalamat event ni Vice President Sara Z. Duterte ngayong araw, October 4, sa Davao Convention and Trade Center.
Nagtipon-tipon ang mga opisyal ng City Government of Davao sa pangunguna ni City Mayor Sebastian Z. Duterte, Vice Mayor Atty. J. Melchor Quitain Jr., 1st District Representative Paolo Z. Duterte na nirepresenta ng anak nitong Rodrigo Duterte II, 2nd District Representative Vincent Garcia, 3rd District Representative Isidro Ungab, 20th City Council at lahat ng 182 Barangay Council ng Davao.
Ang nasabing pagtitipon ay isinagawa upang pasalamatan ang lahat ng mga lider sa Davao City sa kanilang serbisyo sa mamamayan at sa suporta na ibinigay nito kay Vice President Duterte.| ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao