Kinilala bilang “Top Performing” sa mga Provinces, Higly Urbanized Areas, Independent and Component Cities (PHI) ang Lungsod ng Pasay sa pagbabakuna sa katatapos na Ligtas Lakas Awards ng Department of Health (DOH).
Natamo ng Pasay ang pagkilala dahil sa mahigit 95% coverage nito sa loob ng apat na linggo sa pagbabakuna laban sa tigdas, rubella, at polio sa ilalim ng “MR-OPV SIA Campaign” ng DOH.
Ang pagkilala ay patunay lamang na ang kalusugan ng H.E.L.P. Priority Agenda ng lokal na pamahalaan ay para sa kabutihan ng bawat pamilya ng lungsod. | ulat ni AJ Ignacio