Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na magiging patas at maayos ang gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lungsod, sa October 30.
Sa talumpati ni Sotto sa flag ceremony sa city hall, sinabi nito na mahigpit na imo-monitor ng lokal na pamahalaan ang halalan sa lungsod.
Nagbabala naman ang alkade sa mga indibidwal na lalabag sa pagdadaos ng mapayapa at patas na eleksyon, na kakasuhan ito ng Pasig LGU.
Nagbigay din ito ng mga paalala sa pagpili ng mga kandidato na tumatakbo ngayong halalan.
Ayon kay Sotto, dapat piliin ng taumbayan ang tapat at mapagkakatiwalaang kandidato. Maaari rin aniyang ikonsidera ang pagpili sa bagong kandidato kumpara sa matagal ng nakaupo sa pwesto. | ulat ni Diane Lear