Patung-patong na mga paglabag ng Grab Philippines, isinumite kay House Speaker Martin Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinapos na ng Congressional Committee on Metro Manila Development ang imbestigasyon nito kaugnay sa kaliwa’t kanang reklamo laban sa Grab Philippines.

Mismong si Committee Chairperson at Manila 2nd District Cong. Rolando Valeriano ang nagsumite ng report nito kay House Speaker Martin Romualdez kung saan kanyang tinukoy ang napakaraming violation at multi-million pesos na penalties ng nasabing ride-hailing firm.

Kabilang sa mga violation ng Grab ay ang backdoor entry nito nang pumasok ito sa motorcycle taxi noong nakaraang taon matapos bilhin ang Move It.

Ang Move It ay kasama sa mga nabigyan ng pagkakataon para sa pilot study ng Department of Transportation kaugnay ng viability operation ng mga motorcycle taxi sa bansa noong 2019.

Sa pilot study para sa mga motorcycle taxi, tanging ang Joy Ride, Angkas at Move It lamang ang binigyan ng Provisional Authority para makapag-operate.

Ngunit natuklasan ni Cong. Valeriano na ibinenta pala ng Move It sa Grab ang kanyang Provisional Authority bagay na isang paglabag sa batas.

Ang nangyaring kontrobersyal na bilihan ng Move It at Grab ay hindi rin daw dumaan sa approval ng government agencies.

Agad din daw nagpatupad ng mga overcharging at shortchanging ang Grab, mga partner-riders at pasahero nito na malinaw na paglabag sa fare matrix na ibinibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Noong Sabado, isang malaking protesta ang ginawa ng mga rider partner ng Grab sa Tomas Morato Quezon City dahil sa mga unfair labor practice at iligal na pagbabawas sa kanilang mga kinikita. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us