Payapang resolusyon ng gulo sa Israel, panawagan ng House Committee on Foreign Affairs Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si House Committee on Foreign Affairs Chair Rachel Arenas sa pagdadalamhati ng mga apektado ng mga pag-atake sa Israel, Gaza at West Bank.

Ayon sa mambabatas, kinokondena rin niya ang paggamit ng dahas at nanawagan para tuluyan nang ihinto ang mga pag-atake para hindi na madamay pa ang mga sibilyan.

Hangad din ng kinatawan na idaan sa payapang pag-uusap ang pag-resolba sa tensyon.

“First and foremost, I would like to express my most heartfelt sympathies and condolences to the victims of the ongoing attacks in Israel, Gaza, and the West Bank. I strongly condemn the violent aggression and urge its complete cessation, to avoid needless pain and suffering, especially among the non-combatant civilian population.” ani Arenas.

Pinuri naman ni Arenas ang mabilis na pagtugon ng pamahalaan para asistehan at tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino na naiipit sa gulo.

Payo naman naman ng lady solon sa mga kababayan nating nakatira sa Israel, sa Gaza at sa West Bank na maging alerto at mag-ingat

“To our kababayans in Israel, Gaza and the West Bank, I would like you to remain vigilant and we pray for your protection and well-being during these turbulent times. Again, I call for the immediate stop to the violence and pray for the peaceful resolution of the conflict.” diin ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us