Pinagsusumite ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng development and rehabilitation plan para sa susunod na limang taon.
Ang kautusan ay ginawa ng Chief Executive nang makapulong nito ang mga opisyales ng PCA sa Malacañan na doon ay napag- usapan din ang target na makapagtanim ng 100 milyong puno ng niyog mula 2023 hanggang 2028.
Binigyang-diin ng Chief Executive sa mga taga-PCA na hindi maaaring walang plano lalo na at malaki ang oportunidad na naibibigay ng coconut industry.
Ang kailangan aniya sabi ng Presidente ay malinaw na plano para sa rehabilitation ng industriya na kahit matapos na ang kanyang termino ay dapat na maikasa.
Ipinunto ni Pangulong Marcos na dapat maisantabi ang anumang anggulo ng politika gayung ang mahalaga ay maging tuloy-tuloy ang gagawing pagpapalakas sa industriya ng pagniniyog kahit tapos na ang kanyang termino. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: PCO