Mula Capiz, diretso ng Antique si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mamahagi ng libreng bigas sa 1,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Lalawigan ng Antique.
Ginanap ang distribusyon sa Binirayan Complex sa bayan ng San Jose de Buenavista ngayong Biyernes, Oktubre 6.
Maliban sa bigas, namigay din ang Punong Ehekutibo ng seed capital fund na nagkakahalagang P1.4 milyon sa limang asosasyon: ang Abot Kamay SLP Association mula sa bayan ng Hamtic; AQUEMA Cattle Raisers Association sa Tobias Fornier; PBCPS Association sa Libertad; Riverside Association sa Tibiao; at CBL Cattle Raisers Association sa bayan ng Laua-an. | ulat ni Hope Torrechante | RP Iloilo