PBBM, nagpatawag ng Command Conference kaugnay ng panibagong pangyayari sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang Command Conference ang ipinatawag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kung saan, tinalajay sa ginawang pagpupulong ang panibago na namang posibleng paglabag sa international maritime laws ng China

Sa nasabing command conference ay inatasan ng Chief Executive ang Philippine Coast Guard na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente ng pagbangga sa barko ng Philippine Coast Guard ng Chinese Coast Guard.

Ang pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea ay hindi aniya ipinagkikibit balikat ng pamahalaan at bagkus ay siniseryoso ito ng gobyerno sa pinakamataas na antas.

Nangyari ang aniya’y “dangerous, illegal, and reckless maneuver” ng Chinese Coast Guard sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na lumikha ng pinsala sa sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Kasama sa ipinatawag na Command Conference sina AFP Chief General Romeo Brawner, National Security Adviser Eduardo Año, Executive Secretary Lucas Bersamin at Defense Chief Gilberto Teodoro na haharap ngayong alas-dos ng hapon sa pulong balitaan sa Malacañang. | ulat ni Alvin Baltazar

📷: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us