Lumapag na sa King Khalid International Airport (5:54pm PH time) ang flight PR 001 o ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa pakikibahahi sa kauna-unahang ASEAN – Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.
Tumagal ng siyam na oras at 45 minuto ang biyahe ng Philippine delegation, makaraang mag-take off ang PR 001 sa Villamor Airbase kanina 7:59 ng umaga, oras sa Pilipinas.
Ngayong gabi (October 19), agad na sasabak sa aktibidad ang Pangulo sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa business leaders sa Saudi.
Bukod sa mismong ASEAN – GCC Summit, magkakaroon rin ng pagkakataon ang Pangulo upang makaharap ang Filipino Community.
Aabot sa 2.2 millyon ang mga Pilipino sa Gulf. Nasa 700,000 naman ang nasa KSA.
Habang magkakakaroon rin ng bilateral meeting si Pangulong Marcos Jr., kasama ang mga lider ng Saudi at Bahrain, kung saan isusulong ang kapakanan ng mga OFW, usapin sa Maharlika Investment Fund, at labor reforms. | ulat ni Racquel Bayan