PBBM, pinatitiyak na naipatutupad ang strategic investments ng pamahalaan gaya ng Green Lane Policy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin sa isinagawang sectoral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paninigurong naipatutupad ang mas maluwag na proseso sa pamumuhunan sa bansa.

Ito’y sa pamamagitan ng Green Lane na para sa mga nag-i invest ng negosyo sa bansa.

Sa Malacañang briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry Philippines (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo na ipinunto ng Presidente na dapat ngang manatili ang pokus sa pagpa- facilitate ng mga strategic investments gaya ng Green Lane lalo’t isa ito sa nakahihikayat sa mga mamumuhunan upang maglagak ng negosyo sa bansa.

Sa katunayan Ani Rodolfo ay may 11 mga proyekto na pumasok sa bansa na nairehistro sa Green Lane na kung saan, umabot sa ₱300-billion ang pumasok na puhunan.

Bilin pa aniya ng Pangulo na gawin ang kailangang adjustments sa mga batas na magbibigay ng less restriction para sa mga mamumuhunan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us