Peace covenant signing para sa BSKE 2023, matagumpay na isinagawa sa lalawigan ng Tawi-Tawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni PCol. Richard B. Basco ang isang multi-sectoral Peace Assembly para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Tawi-Tawi Provincial Police Office kamakailan.

Ito’y dinaluhan ni Atty. Alnie Burahim, Provincial Election Supervisor ng Comelec Tawi-Tawi, na kung saan kanyang pinangunahan ang signing ng pledge of commitment para masiguro ang malinis, maayos at mapayapang BSKE 2023 Elections.

Dumalo din si MGen. Romeo Rakadio, Commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Commander sa Tawi-Tawi at kanya ding  isinaad ang kanyang pledge of commitment ganun din ang mga leaders  mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan nagsaad din ng kanilang pangako at suporta.

Kaugnay nito hinimok ni Burahim ang lahat ng mga dumalo na magkaisa tungo sa isang matiwasay at mapayapang pagdaraos ng BSKE 2023 Elections. | ulat ni Sharon Jamasali | RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us