Humigit-kumulang 2,000 benepisyaryo ang lumahok sa People’s Caravan na inorganisa ng National Housing Authority (NHA) sa Zamboanga City.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, inilapit ng ahensya ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa mga tao sa isang lugar bukod sa pagbibigay ng mga bahay.
Kabilang sa kalahok ang Department of Agriculture, bitbit ang Kadiwa ng Pangulo, National Irrigation Administration, TESDA, DTI, DOLE, DOH, LTO, PSA, SSS, DSWD at iba pa.
Nagbigay din ng suporta ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa programa.
Para sa seguridad, siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang kapayapaan ng caravan. | ulat ni Rey Ferrer