Nagsagawa ang Philippine Navy at US Navy ng Gunnery (GUNNEX) at Air Defense exercise (ADEX) sa ika-apat na araw ng “Sea phase” ng SAMASAMA 2023 Bilateral Exercise sa pagitan ng dalawang pwersa.
Sa GUNNEX ay ginamit ng BRP Antonio Luna (FF151) ang kanyang Aselsan SMASH 30mm gun at .50cal guns; habang ang USS Dewey (DDG105) ay gumamit ng 25mm Mk38 Machine Gun at .50cal guns, para asintahin ang isang inflatable “Killer Tomato” target.
Siniguro naman ng BRP Lolinato To-Ong (PG902) na walang ibang sasakyang pandagat sa exercise area para sa ligtas na pagpapaputok sa GUNNEX.
Pagkatapos ng GUNNEX, isinagawa naman ang ADEX, kung saan isang Hawker Hunter aircraft na may hila-hilang drone ang nagsilbing target ng mga naval gun.
Dito’y nasubukan ang kapabilidad sa Anti-Air warfare ng magkaalyadong pwersa. | ulat ni Leo Sarne