Inirekomenda ni Philippine Ambassador to Amman Wilfredo Santos kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas sa Alert Level 3 ang estado sa Gaza.
Ito ang ibinahagi mismo ng embahador sa briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs patungkol sa gulo sa southern region ng Israel partikular sa Gaza.
Ang naturang rekomendasyon ay bunsod na rin ng 70 Pilipino sa Gaza na nagpahayag na nais mapa-repatriate.
Kabilang aniya sa bilang na ito ang nasa 31 menor de edad na pawang anak ng mga Pinoy na nakapangasawaa na ng Palestinians.
Sa kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Gaza.
Nungit kung itataas ito sa Level 3 ay magpapatupad ng voluntary repatriation.
Magkagayunman, mahihirapan aniya magsagawa ng repatriation dahil sa sarado ang exit points bunsod ng nagpapatuloy na operasyon ng Israeli forces laban sa grupong Hamas
Sa hiwalay naman na datos ng Department of Migrant Workers, mayroong 23 na nais magpa-repatriate sa Israel.
Ayon kay DMW OIC Sec. Hans Leo Cacdac, nakahanda na sila para sa pagpapauwi ng mga Pilipino ngunit naghihintay lamang ng ‘go signal’ ng Israeli government dahil sa limitado ang operasyon ngayon ng paliparan ng Israel.
Sa 23 Pilipino sa Israel na nais lumikas pauwi ng Pilipinas, 14 ang caregivers, 1 hotel worker at ang nalalabi ay pawang non-OFW. | ulat ni Kathleen Jean Forbes