PhilHealth case rate, pinatataasan ng isang mambabatas ng 20%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre na taasan ng PhilHealth ang kanilang case rate ng 20% across the board.

Ayon sa mambabatas ipinatupad ang case rate para mapadali ang reimbursement sa gastos ng healthcare providers at masigurong maibigay serbisyong medikal sa pasyente sa tamang panahon.

Ngunit ang nakasanayang kalakaran na bayaran kung alin ang pinakamababa ay hindi na aniya angkop sa panahon ngayon lalo at tumataas ang halaga ng healthcare service.

Nagiging dagdag pasakit kasi aniya ito sa mga pasyente na sasaluhin pa rin ang mas malaking bahagi ng bayarin kahit naka-avail na ng PhilHealth benefit.

Kaya naman kung magkakaroon ani Acidre ng across the board na 20% increase ay maiiwasan na ang out-of-pocket expenses ng payente.

Masisiguro rin aniya nito ang access sa kalidad at pangmatagalang healthcare service sa bawat Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us