PhilHealth, dapat panagutin sa pagkabigong protektahan ang datos ng mga miyembro nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng isang mambabatas na panagutin ang Philippine Health Insurance Corp. kaugnay nang nangyaring data breach, matapos atakihin ng ransomware ang kanilang sistema.

Ayon kay AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes, nabigo ang PhilHealth na protektahan ang kanilang sistema lalo na ang personal na impormasyon ng mga miyembro nito.

Hindi rin aniya makatwiran na idahilan ng PhilHealth ang mabagal at mahigpit na procurement process kaya’t hindi nakapag update ng anti-virus system.

“Dapat may managot sa nangyaring hacking at data leak sa PhilHealth. They should quit their posts if they can’t competently follow guidelines that were meant to ensure integrity in government transactions. Blaming the procurement rules just shows a failure of leadership in PhilHealth and the lack of importance they place in protecting members’ data,” sabi ni Reyes.

Dismayado rin ang mambabatas sa magkakaibang statement ng ahensya at kawalan ng transparency sa data breach.

Tinukoy nito ang unang pahayag ng PhilHealth na walang data leak.

Pinasalamatan naman ni Reyes ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagtulong sa PhilHealth, na mabawi at maibalik ang kanilang sistema ngunit hindi na aniya maibabalik ang impormasyong nanakaw na. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us