PhilHealth, nilinaw na walang nakompromiso sa datos ng kanilang mga miyembro kasunod na rin ng pag-atake ng Medusa ransomware

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na walang nakompromisong datos ng kanilang mga miyembro.

Ito’y ayon sa PhilHealth kasunod ng naging pag-atake ng Medusa ransomware sa kanilang online system kamakailan.

Sa inilabas na Urgent Notice to the Public ng pangunahing state health insurer, nilinaw nito na hindi naapektuhan ng pag-atake ang kanilang server na naglalaman ng pribadong impormasyon ng mga miyembro nito.

Giit ng PhilHealth, nananatiling intact ang mga mahahalagang datos gaya ng membership database, claims, contribution, at accreditation information.

Ang mga ito anila ay nakatago sa isang hiwalay at secured na database kaya’t anumang impormasyon na ilalabas ng mga hacker ay huwad at hindi dapat paniwalaan.

Una rito, ibinunyag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ganap nang ibinuyangyang ng mga hacker ang nakuha nitong mga impormasyon umano mula sa PhilHealth sa tinatawag na dark web. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us