Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., binisita ang Pinoy caregiver na nasugatan sa kaguluhan sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan sa kaguluhan sa Israel.

Kinilala ang OFW na si Joey Pagsolingan na nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery matapos mabaril sa nangyaring pag-atake ng militanteng grupong Hamas.

Si Pagsolingan ay nailigtas ng Israeli Defense Forces sa Kibbutz Be’eri na malapit sa Gaza Strip.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang OFW sa Tel Aviv Sourasky Medical Center.

Kasabay nito ay binisita rin ni Ambassador Laylo sa naturang ospital ang underground emergency room para sa mga mass casualty incident, medical airlift capabilities, at nakipagkita rin sa mga nakaligtas sa pag-atake ng Hamas.

Nagpasalamat naman ang Embahada ng Pilipinas sa Israel sa Israeli Defense Forces pagligtas at pagaalaga sa mga Pilipino roon, pati na rin sa Filipino community na tumutulong sa sugatang OFW.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us