Philippine Army, nagwagi ng silver medal sa “Patrol Olympics” sa Wales, UK

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakamit ng Philippine Army contingent ang silver medal sa Phase II ng Exercise Cambrian Patrol 2023 na isinagawa mula Oktubre 7 hanggang 9 sa Wales, United Kingdom.

Ang Exercise Cambrian Patrol ang itinuturing na “Olympics of Military Patrolling”, na nagsimula noong Oktubre 6 at tatagal hanggang Oktubre 15 sa ilalim ng pamamahala ng 160th (Welsh) Brigade ng British Army.

Dito’y kalahok ang 170 patrolling teams, mula sa 40 bansa sa 8 phase ng 16 na event, kabilang ang CBRN drills, Counter Improvised Explosive Devices, at 60-kilometer patrol climb and descent.

Nagtagumpay ang Philippine Army contingent na binubuo ng 8 sundalo ng First Scout Ranger Regiment sa pamumuno ni 1st Lt. Junjun M. Bayudan sa phase 2 ng pinakamahirap na patrolling event.

Binati ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang Phil. Army Contingent sa pagpapamalas ng “tactical proficiency, adaptability, and determination” sa pandaigdigang entablado, kasabay ng pagpapasalamat sa 3rd Battalion, The Royal Welsh, sa pag-host ng mga tropang Pilipino. | ulat ni Leo Sarne

📷: Office of the Assistant Chief of Staff for Training and Education, G8, PA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us