Philippine Army, siniguro ang patuloy na pagpapalakas ng mga peacekeeping activity kasunod ng umanoy lumad killings sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng 27th Infantry Division ng Philippine Army na magpapatuloy ang suporta at pagpapalakas sa mga mga peacekeeping activities sa kanilang area of responsibility.

Ito ay kasunod sa umanoy sunod-sunod na pagpatay sa mga lumad sa Marilog District, lungsod ng Davao kung saan tinuturong ugat ay ang isyu sa pagbebenta at pagbili ng lupa.

Ayon kay LTC Allan Tesoro, commanding officer ng 27th IB, nararapat lamang na tutukan ang anumang isyu sa nasabing lugar upang mapanatili ang pagiging insurgency free ng lungsod.

Posible umanong samantalahin ng rebeldeng grupo ang mga kaguluhang ito kung hindi mabibigyang solusyon o mapakikinggan ng gobyerno.

Nakiusap naman ang opisyal sa mga tribal leaders na palakasin pa ang pakikipagtulungan sa bawat isa upang mabigyan ng solusyon ang problema sa lugar. | ulat ni Sheila Lisondra. | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us