Philippine Army Spox, manunungkulan bilang bagong AFP-PAO Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni Armed Forces of the Philippines-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto na babakantehin niya ang kanyang pwesto bukas.

Sa mensaheng ipinadala sa mga mamahayag, sinabi ni Ileto na papalit sa kanya bilang AFP-PAO Chief si Philippine Army Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad.

Nagpasalamat naman si Ileto sa suporta na kanyang nakuha mula sa media at publiko, kasabay nang panghihikayat na susuportahan din si Col. Trinidad sa kanyang magiging bagong katungkulan.

Nabatid na bago naging Spokesperson ng Army, si Trinidad ay naging chief-of-staff ng civil-military operations ng 4th Infantry Division.

Siya rin ay naging 36th Infantry Battalion commander at 402nd Infantry Brigade executive officer.

Si Trinidad ay member ng Philippine Military Academy Class of 1995. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us