Matagumpay na naisagawa ng Philippine Navy at US Navy ang Air Defense Exercise (ADEX) sa ikalawang araw ng “sea phase” ng SAMASAMA 2023 bilateral exercise ng dalawang pwersa.
Sa ADEX, nasubukan ang kakayahan ng mga kalahok na barkong pandigma na i-track at i-identify ang mga papalapit na sasakyang panghimpapawid.
Ayon kay Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) Public Affairs Office Director Lt. Kim Paulo Lopez, ang ADEX ay mahalaga sa pagtatanggol ng mga “vital asset”, pagmantina ng kahandaan, at pagpapalakas ng koordinasyon ng mga magkaalyadong pwersa.
Maliban dito ay nagsagawa din ang mga kalahok na navy ships at helicopters ng cross-deck landing at pagmamaniobra ng mga barko na bumuo ng “Solidarity, Loyalty, and Victory” formations na sumisimbolo ng kooperasyon, commitment at pagkakaisa ng dalawang bansa.
Ang SAMASAMA 2023 ay taunang bilateral navy-to-navy exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tataggal hanggang Oct 13, 2023. | ulat ni Leo Sarne
🎥: NAVFORSOL