Philippine at US Navy, nagsagawa ng Air Defense Exercise

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naisagawa ng Philippine Navy at US Navy ang Air Defense Exercise (ADEX) sa ikalawang araw ng “sea phase” ng SAMASAMA 2023 bilateral exercise ng dalawang pwersa.

Sa ADEX, nasubukan ang kakayahan ng mga kalahok na barkong pandigma na i-track at i-identify ang mga papalapit na sasakyang panghimpapawid.

Ayon kay Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) Public Affairs Office Director Lt. Kim Paulo Lopez, ang ADEX ay mahalaga sa pagtatanggol ng mga “vital asset”, pagmantina ng kahandaan, at pagpapalakas ng koordinasyon ng mga magkaalyadong pwersa.

Maliban dito ay nagsagawa din ang mga kalahok na navy ships at helicopters ng cross-deck landing at pagmamaniobra ng mga barko na bumuo ng “Solidarity, Loyalty, and Victory” formations na sumisimbolo ng kooperasyon, commitment at pagkakaisa ng dalawang bansa.

Ang SAMASAMA 2023 ay taunang bilateral navy-to-navy exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tatagal hanggang October 13, 2023. | ulat ni Leo Sarne

🎥: NAVFORSOL

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us